3 'tulak' ng droga, napatay sa Quiapo

ABS-CBN News

Posted at May 30 2017 04:49 AM | Updated as of May 30 2017 01:42 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Bumulagta ang tatlo umanong 'tulak' ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Quiapo, Maynila.

Nakatanggap ang mga pulis ng impormasyon na ginagawang drug den ang ikaapat na palapag ng Vergel de Dios Santos building sa Evangelista street sa Quiapo kaya nagkasa sila ng transaksiyon, ayon kay Chief Inspector Leandro Gutierrez ng Drug Enforcement Unit ng Manila Police District Station 3.

Sa kalagitnaan ng transaksiyon, nakatunog umano ang mga suspek na pulis ang kanilang ka-transaksiyon kaya nanlaban ang mga ito, dahilan para gumanti rin ng putok ang mga pulis.

Nadala pa sa ospital ang mga suspek na sina Danny Boy Estrada, 37, Ryan Domingo Capcap, 22, at Romnick Geugey, 25 pero namatay din.

Nasamsam sa pinangyarihan ng operasyon ang P15,000 halaga ng hinihinalang shabu, tatlong kalibre .38 revolver at mga paraphernalia na ginagamit sa pagre-repack ng shabu. 

Dati nang nasa drug watchlist ng mga pulis ang tatlong suspek.

--Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.