Grupo, layuning ilapit ang teatro sa komunidad

ABS-CBN News

Posted at May 23 2017 12:15 AM | Updated as of May 24 2017 09:57 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Kakaibang pagtatanghal ang dala sa mga manonood ng Sipat Lawin Ensemble. Hindi kasi tulad ng karaniwang performances na tagapanood lang ang audience, nagiging bahagi rin daw ng theater show ang mga manonood ng Sipat Lawin Ensemble. Ineengganyo raw ng grupo ang mga nanonood na aktibong makiisa sa kanilang mga dula.

Isa ngayon sa pinagyayamang programa ng grupo ang “Hear Here” na layong himukin ang mga may kapansanan sa pagdinig na makiisa sa kanilang pagtatanghal. 

Hindi madaling gawin ang ganitong klase ng pagtatanghal dahil kailangan ding matuto ng kanilang mga miyembrong may normal na pandinig kung paano makikipagtrabaho sa mga kasamahang may hearing disability. 

Magkaiba man ang pandinig, nananatiling isa lang ang kanilang layon—isulong ang sining sa komunidad at ipamalas ang kakayahan maging ng mga may kapansanan.

Sa lahat ng ito, suporta ang hinihiling ng Sipat Lawin Ensemble. May mga pagkakataon daw kasing imbes na pera ang ibayad, pagkain ang nagiging kapalit ng kanilang pagtatanghal.

Ano’t ano pa man, sana raw ay makatulong pa rin sila sa paghahatid ng makabuluhang sining sa lipunan. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.