Barangay kagawad patay sa pamamaril sa Quezon

ABS-CBN News

Posted at May 17 2018 12:46 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv


Patay ang isang reelected na kagawad ng Barangay Sto. Niño sa Mulanay, Quezon matapos pagbabarilin ng hindi kilalang salarin Huwebes ng umaga. 

Nasa tabi ng kalsada sa Barangay Sta. Rosa ang biktimang si Felix Moldon nang tambangan siya ng salaring tumakas sakay ng motorsiklo. 

Idineklara si Moldon na dead on arrival sa ospital. 

Iniimbestigahan pa ang motibo sa pamamaril na nangyari 2 araw matapos ang barangay at Sangguniang Kabataan elections. 

DZMM, 17 Mayo 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.