Random drug tests sa senior high school, ipapatupad na

ABS-CBN News

Posted at May 17 2017 04:44 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Bukod sa mga takdang aralin, mayroon ding random drug test na sasalubong sa mga estudyante pagpasok ng bagong school year.

Paiiralin ang bagong mandato ng Department of Education (DepEd) sa lahat ng mga pampublikong senior high school sa bansa.

Maging ang mga guro, sasailalim din sa random drug testing.

Ayon sa DepEd, bahagi ito ng kanilang programang drug-free schools para matulungan ang mga batang nalululong sa masamang bisyo.

Pabor ang ilang guro at estudyante sa pagsagawa ng random drug test. Pero hiniling nila sa DepEd na sana ay makuha muna ang pahintulot ng magulang bago isailalim ang estudyante sa drug test. Dapat din umaong mapanatiling pribado o confidential ang resulta ng drug test para hindi mapahiya ang magpopositibo sa droga.

Katuwang ng DepEd ang Department of Health sa random drug test. Inaayos ngayon ng ahensiya ang mga patakaran kung ano ang gagawin sa mga magpopositibo sa drug test. 

Mas gusto kasi ng DepEd na tulungang magbagong buhay ang mga batang nalululong sa ilegal na droga sa halip na parusahan.

Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.