Alejano handa sa ethics complaint, posibleng dumulog sa ICC

ABS-CBN News

Posted at May 16 2017 08:19 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nakahanda si Magdalo Rep. Gary Alejano na maharap sa anumang ethics complaint kaugnay ng kanyang impeachment case laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

"Kung talaga pong gusto nila akong kasuhan ng ethics complaint sa [House] ethics commitee, sa kanila na po iyan. Iyun talaga ang hazard ng pagtayo sa isang paniniwala o prinispyo," ani Alejano sa panayam ng DZMM, Martes.

Sa pagdinig nitong Lunes, nagbabala si House Majority Leader Rodolfo Fariñas na maaaring maharap sa kaso si Alejano dahil sa paggamit ng hearsay evidence sa kanyang reklamo laban sa Pangulo.

Ito rin ang dahilan ng House justice committee sa pagdeklara sa impeachment complaint bilang insufficient in substance.

Pinag-aaralan ng kampo ni Alejano kung dadalhin nila ang reklamo sa International Criminal Court.

DZMM TeleRadyo, 16 Mayo 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.