AFP: Hindi malabnaw ang ugnayang PH-US

ABS-CBN News

Posted at May 05 2017 04:52 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Itinanggi ng AFP na mistulang nanlalabnaw na ang ugnayang militar ng Pilipinas at Estados Unidos. Ayon sa mga opisyal ng militar, sila ay mas tumutok lang sa disaster response. Taliwas naman ito sa tila tumitibay na ugnayan ng tropa ng pamahalaan at China, kasunod nang pagpupursige na matuloy ang isang joint military exercise ng dalawang bansa. Kamakailan nga lang, dumaong ang ilang Chinese warships sa mismong teritoryo ng Pangulo sa Davao City. Nagba-Bandila si Mike Navallo. Bandila, Huwebes, 04 Mayo, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.