KSP: Adik, hindi basta-basta mapapa-rehab kung may asunto

ABS-CBN News

Posted at May 04 2017 12:34 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Lalo pang naging siksikan ang inmates sa mga kulungan nang magsimula ang kampanya kontra-droga ng administrasyong Duterte. Dumami rin kasi ang ikinukulong dahil sa alegasyong dawit sa ilegal na droga. Tanong ng ilan, bakit hindi na lang ipa-rehab ang ibang inaaresto para hindi na dumagdag sa siksikan ng mga preso. Pero ang siste pala, hindi basta-basta maipapa-rehab ang adik kung may kinakaharap na kaso. Lumalabas din na lagpas na pala sa kapasidad nito ang isang rehab center sa Bicutan. Nagpa-Patrol, Noli de Castro. TV Patrol, Miyerkoles, 03 Mayo 2017

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.