Mga ilegal na nakaparada sa Roxas Blvd., hahatakin

ABS-CBN News

Posted at May 02 2017 11:48 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Simula Mayo 8, bawal nang paradahan ang service roads sa kahabaan ng Roxas Boulevard. Hahatakin na ang mga sasakyang ilegal na paparada sa tapat ng mga kainan, hotel, at maging sa mga tanggapan ng Bangko Sentral, Department of Foreign Affairs, at mga embahada ng Amerika at Japan. Target ng Metropolitan Manila Development Authority na alisin din ang mga ilegal na tindahan at iba pang nakaharang sa service roads para mapaluwag ang trapiko. Nagpa-Patrol, Doris Bigornia. TV Patrol, Martes, 02 Mayo 2017

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.