SUV, sumalpok sa poste ng traffic light; drayber, sugatan

ABS-CBN News

Posted at Apr 26 2017 09:16 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Sugatan ang isang lalaki matapos bumangga sa poste ng traffic light sa kanto ng Tomas Morato at Don Roces sa Quezon City ang minamanehong sasakyan pasado alas-12:45, madaling araw ng Miyerkules.

Naisugod na sa ospital ang driver na kinilalang si Oliver Tan Ong, 45-anyos.

Ayon kay Ariel Nerida, isang security guard na nakasaksi, sobrang bilis ng takbo ng pulang SUV na may plakang WIC 552 nang baybayin ang Don Roces Ave,. at pakanan sa Tomas Morato nang tinumbok nito ang poste ng traffic light.

Nagtamo ng sugat sa kanang tuhod at nagdugo ang ilong ng driver. Nasira naman ang harapang bahagi ng sasakyan.

Ayon sa imbestigasor, hindi na kakasuhan ang driver dahil hindi naman nakasira ang aksidente. -- Umagang Kay Ganda, 26 April 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.