Ilang mga kalsada sa QC, isasailalim sa road reblocking

ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2017 08:13 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Isasailalim sa road reblocking at pagkukumpuni ang ilang mga kalsada sa Quezon City simula mamayang alas 11 ng gabi.

Kabilang sa mga apektadong kalsada ang:

Northbound lane ng Mindanao Avenue mula Tandang Sora Avenue hanggang Mindanao Avenue Bridge

Bahagi ng Commonwealth Avenue mula Litex Road hanggang Donya Carmen

Bahagi ng Quirino Highway mula Mindanao Avenue hanggang Bernardino Street

Bahagi ng Congressional Avenue extension mula Luzon Avenue at Visayas Avenue at sa southbound lane ng EDSA mula Roosevelt Avenue hanggang Quezon Avenue.

Muli nang madadaanan ang mga kalsada sa Lunes ng madaling araw.

Pinapayuhan naman ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta. - Umagang Kay Ganda, Abril 21, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.