Tingloy, isla sa Batangas, sarado muna sa turista

ABS-CBN News

Posted at Apr 11 2017 11:17 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Kung umaasa ang bayan ng Mabini na dadayuhin pa rin sila ng mga turista, ang bayan naman ng Tingloy, Batangas ay ayaw na munang tumanggap ng mga turista. Ito ay dahil sa maya’t mayang aftershocks, pati na rin ang pagbagsak ng bahagi ng pier, pagkabitak-bitak ng mga kalsada, at pagguho ng gilid ng bundok. Pangunahing problema rin nila ngayon ay ang malinis na inuming tubig. Nagpa-Patrol, Dennis Datu. TV Patrol, Martes, 11 Abril 2017