Abella: Mga nabigyan ng amnesty ang iuuwi ng pangulo

ABS-CBN News

Posted at Apr 11 2017 11:55 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nilinaw ni presidential spokesman Ernesto Abella na ang mga nabigyan na ng amnesty, at hindi ang mga overseas Filipino worker na nasa death row, ang sinasabi ng pangulo na iuuwi niya sa Pilipinas. Hindi rin umano mapag-uusapan ang tungkol sa paghingi ng pardon sa mga Pilipinong nasa death row. Sa pagbisita naman ng pangulo sa Filipino community sa Riyadh, umaasa naman ang mga problemadong OFW na masosolusyunan ng Duterte administration ang kanilang mga problema. Nagpa-Patrol, Ron Gagalac. TV Patrol, Martes, 11 Abril 2017

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.