Peak season ng turismo sa Batangas, nanganib sa lindol

ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2017 10:45 PM | Updated as of Oct 26 2017 11:43 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Inabutan ng lindol ang ilang diver habang nasa ilalim ng tubig, samantalang gumuho naman ang ilang bahagi ng isang resort sa Batangas noong Sabado. Ngayong humupa na ang aftershocks, tinanggal na ng lokal na pamahalaan ng Mabini, Batangas ang ban sa mga water activities sa kanilang bayan dahil sa nangyaring lindol at aftershocks. Puwede na ulit mag-swimming at mag-dive sa lugar. Sa Mabini matatagpuan ang itinuturing na isa sa pinakamagagandang dive spots sa buong mundo, kabilang ang Anilao. Nagpa-Patrol, Jeff Canoy. TV Patrol, Lunes, 10 Abril 2017

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.