PANOORIN: Mga nakayayanig na kuha ng lindol sa Batangas

ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2017 10:41 PM | Updated as of Oct 26 2017 11:36 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Wala pang isang linggo matapos yanigin ng magnitude 5.5 na lindol ang Batangas nitong April 4, muling lumindol sa probinsya nitong Sabado, April 8. Nasira ang ilang imprastraktura sa muling pagyanig sa Batangas nitong Sabado. Buong akala ng marami, aftershocks ang dalawang magkasunod na pagyanig. Nabalot ng takot ang karamihan ng mga nasa Batangas port. 

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, 5.6 magnitude ang lindol sa Mabini, Batangas. 

Sa Batangas City naman, bumagsak ang bahagi ng gilid ng Minor Basilica of the Immaculate Concepcion kaya sa labas na lang idinaos ang misa ng Linggo ng Palaspas. Nagpa-Patrol, Fay Virrey. TV Patrol, 10 Abril 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.