Nakaamba sa tag-init: brownout sa Luzon, taas-singil sa kuryente

ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2017 10:37 PM | Updated as of Oct 26 2017 11:33 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Muntik nang magka-brownout kanina matapos kapusin ang reserbang kuryente sa Luzon, at hindi rin maseguro ng National Grid Corporation of the Philippines na walang brownout sa kabuuan ng tag-init. Bumagsak kasi ang operasyon ng ilang malalaking planta sa Batangas dahil sa lindol, bukod pa sa sangkaterbang planta na naka-maintenance shutdown. Habang tumataas naman ang temperatura, lumalakas din ang kunsumo sa kuryente dahil kailangan ng pampawi ng init. Nag-anunsiyo na rin ang Meralco ng dagdag-singil sa Abril na 23 centavos kada kilowatthour. Nagpa-Patrol, Alvin Elchico. TV Patrol, Lunes, 10 Abril 2017

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.