Duterte sa mga sundalo: Ipagtanggol ang West PH Sea

ABS-CBN News

Posted at Apr 06 2017 10:16 PM | Updated as of Oct 20 2017 05:55 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Sa kanyang talumpati sa Western Command sa Puerto Princesa, hinikayat ni Pangulong Duterte ang mga sundalo na tulungan siya sa paggiit sa claim ng Pilipinas sa mga isla sa West Philippine Sea. Aniya, gawin lamang umano ng mga ito ang kanilang trabaho bilang tagapagtanggol, at sagot niya ang mga ito. Kasama na rito ang pangakong maayos na pabahay. Dinipensahan din ng pangulo ang desisyon niyang sibakin sa puwesto si Interior and Local Government Secretary Ismael Sueno, at nagbabala siya na marami pang sisibaking opisyal ng gobyerno na dawit sa katiwalian. Nagpa-Patrol, Doris Bigornia. TV Patrol, Huwebes, 6 April 2017

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.