Mister na nambugbog umano ng kanyang misis, kalaboso

ABS-CBN News

Posted at Mar 01 2017 10:37 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Arestado ang isang lalaki matapos na ireklamo ng pagwawala at pambubugbog umano sa kanyang misis na nangyari pa sa pasayaw ng kanilang anak na ikakasal.

Kinilala ang suspek na si Ramil dela Cruz na umanoy nagalit dahil kulang sa rekado ang handa.

Base naman sa salaysay ng asawa ng suspek, binato pa siya ni Dela Cruz ng kutsilyo saka binantaan.

Aminado si Dela Cruz na nasaktan niya ang misis pero todo tanggi siya sa pambabato ng kutsilyo.

Nahaharap ngayon si Dela Cruz sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o violence against women and children. - Umagang Kay Ganda, 1 March 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.