Low pressure area papasok sa Biyernes

ABS-CBN News

Posted at Feb 22 2018 08:31 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Inaasahang papasok sa bansa sa Biyernes ang isang low pressure area na nasa silangan ng Mindanao, sinabi ng state weather bureau ngayong Huwebes. 

Maaaring tumama ang LPA sa silangan ng bansa sa Sabado, pero mababa ang tsansa na maging bagyo ito, ayon sa PAGASA. 

Sa ngayon, makakaranas naman ng maaliwalas at mainit na panahon ang silangang bahagi ng bansa dahil sa easterlies o hangin na mula sa silangan, dagdag ng ahensya. 

Samantala, patuloy anilang iiral sa Batanes at Babuyan islands ang amihan o malamig na hangin mula sa hilagang-silangan, na magdadala ng mga ambon. 

Maaari namang magkaroon ng thunderstorms sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Pilipinas. 

Para sa iba pang ulat-panahon, bisitahin ang ABS-CBN Weather Center

DZMM, 22 Pebrero 2018 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.