LPA sa Palawan, maaari muling maging bagyo

ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2018 08:16 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Maaaring lumakas at muling maging bagyo ang isang low pressure area sa Palawan province, sinabi ng weather bureau ngayong Huwebes. 

Ang LPA ay dating Bagyong Basyang, na kumitil ng hindi bababa sa 9 katao sa Visayas at Mindanao. Humina at naging LPA ang bagyo nitong Miyerkoles ng gabi. 

"Patuloy pa rin naman nating binabantayan itong low pressure area, kung sakaling mag-intensify po into a bagyo ulit," ani PAGASA meteorologist Samuel Duran sa panayam sa DZMM. 

Sa ngayon, magdadala aniya ng mga pag-ulan ang LPA sa Palawan kaya pinag-iingat ang mga residente sa posibleng pagbaha at landslide. 

Nahaharap sa parehong banta ang Bicol region at mga lalawigan ng Samar at Quezon dahil sa mga pag-ulang dala ng buntot ng cold front; gayundin ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa dahil naman sa thunderstorms. 

Para sa iba pang ulat-panahon, bisitahin ang ABS-CBN Weather Center

DZMM, 15 Pebrero 2018 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.