Pulis, itinuturong pumatay sa babaeng pinagkakautangan

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2017 10:12 AM | Updated as of Aug 04 2017 05:09 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang pulis na sangkot umano sa pamamaril sa ginang na kanyang pinagkakautangan sa Cotabato City.

Halos apat na araw nang nawawala si PO2 Villafuerte Enero na kawani ng Cotabato City Police Station at residente ng Sultan Kudarat, Maguindanao.

Kinilala naman ang biktima na si Gina Millan, na binawian ng buhay sa ospital.

Nakapag-execute pa ito ng affidavit bago mamatay at tinukoy niya si Enero na siyang bumaril sa kanya.

Lumalabas na motibo sa pamamaril ang P3 milyong utang na hindi na umano kayang bayaran ng pulis.

Umagang Kay Ganda, 7 Pebrero 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.