Pulis na namaril ng binatilyo, arestado

ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2017 11:45 AM | Updated as of Aug 04 2017 11:59 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Arestado ang isang bagitong pulis na naka-talaga sa Catanduanes Provincial Police Office matapos barilin ang isang menor de edad.

Ayon kay PO1 Davey Boy Caño, habang gumagamit siya ng banyo sa isang bar ay nagulat siya nang may nagpiring at humila sa kanya.

Dahil mahuhulog ang kanyang baril na nakasabit sa kanyang shorts, kinuha nya ito at aksidenteng nakalabit ang gatilyo, dahilan para mabaril ang binatilyo.

Pero kwento ng kasama ng biktima, nauna sila sa banyo at sinundan sila ng suspek. Narinig pa umano niya na magkausap ang biktima at ang pulis hanggang nakarinig siya ng putok at nakitang duguan ang kasama.

Sa salaysay naman ng biktima, sinabi niyang niyaya siya ni Caño na sumama sa apartment nito pero hindi siya pumayag.

Dito na umano bumunot ng baril ang pulis at pinaputukan ang biktima ng sa balikat.

Inihahanda na ang kasong kriminal at administratibo na isasampa laban kay Caño.

Umagang Kay Ganda, 6 Enero 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.