Mga bata, patuloy na ginagamit ng mga sindikato sa krimen

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2017 03:25 AM | Updated as of Aug 04 2017 04:04 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Sa sari-saring krimen na nangyayari ngayon, maging ang ilang kabataan, hindi na ligtas. Minsan, sila ang biktima. Pero sa ilang pagkakataon, mismong mga menor de edad ang ginagamit ng ilang sindikato sa paggawa ng krimen. Kaya nga isinusulong ng ilang mambabatas ang pagbababa sa criminal liability age. Pero, tinututulan ito ng ilang sektor. Ayon sa kanila, hindi parusa ang susi para ituwid ang mga kabataang naliligaw ng landas. Bandila, February 06, 2017, Lunes