Mga butanding, dinarayo ng mga turista sa Albay

ABS-CBN News

Posted at Feb 03 2017 01:14 PM | Updated as of Aug 03 2017 10:45 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Naging atraksyon ngayon sa Barangay San Lorenzo, Tabaco City ang mga Butanding na ilang araw nang namamalagi sa lugar.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng Albay, tuwing Disyembre hanggang Marso dumadayo ang mga Butanding sa Tabaco City para maghanap ng makakain.

Indikasyon din daw ito na malinis pa ang dagat sa lugar.

Itinuturing naman na swerte ng ilang mangingisda ang mga Butanding dahil maraming mga turista ang bumibisita roon para makita ang mga ito.

Nagpaalala naman ang BFAR sa mga residente na huwag lapitan ang mga Butanding para hindi ma-stress ang mga ito.

Umagang Kay Ganda, 3 February 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.