PANOORIN: 10 butanding, umabot sa Garcia Hernandez

ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2017 10:42 AM | Updated as of Jul 25 2017 12:12 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Namangha ang mga residente ng Garcia Hernandez sa Bohol matapos mapadpad sa kanilang lugar ang aabot sa 10 whale sharks o butanding.

Plano sana ng lokal na pamahalaan na gawan ng marine sanctuary ang mga butanding gaya sa Oslob, Cebu.

Pero ayon sa Bureau of Fisheries, posibleng makasama ito sa paraan ng paghahanap ng pagkain ng mga butanding.

Sa ngayon, nagpakalat na ng patrol boats para matiyak na hindi hahawakan o guguluhin ng mga residente ang mga butanding.

ABS-CBN Umagang Kay Ganda, Enero 24, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.