PANOORIN: Pawikan hatchlings, pinakawalan sa dagat

ABS-CBN News

Posted at Jan 18 2017 09:51 AM | Updated as of Jul 21 2017 11:42 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Isa-isa nang pinakawalan sa dagat ang 72 maliliit na pawikan na inalagaan ng mahigit isang buwan sa isang hatchery sa Palawan.

Sa kuha ng Candis III Marketing Cooperative, makikita kung paano kinuha ang mga itlog ng pawikang Olive Ridley mula sa buhangin para ilipat sa hatchery.

Matiyagang binantayan ang mga ito dahil kailangan ng 45 hanggang 60 araw para mapisa ang mga ito hanggang sa sila'y ibalik na sa dagat.

Ayon sa project manager ng organisasyon, ito ang unang release nila ng hatchlings para sa taong 2017.

ABS-CBN Umagang Kay Ganda, 18 Enero 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.