Bagong sistema ng pagbubuwis, hindi pa agad maipapatupad ng ilang kompanya

ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2018 02:50 AM | Updated as of Jan 12 2018 05:40 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Humihingi nang kaunting panahon ang grupo ng employers para maipatupad ang mas maliit na kaltas sa buwis ng mga empleyado nila. 

Ito'y dahil kailangan pa umano nilang i-adjust ang kanilang computer system para sa bagong sistema ng pagbubuwis. Iginiit naman ng BIR na kahit wala pang final regulations, epektibo na ang mas mababang witholding tax simula January 1. 

Kung matatagalan ang computer system ng mga kumpanya, pwede umanong gawing mano-mano ang computation. I-Bandila mo, Vivienne Gulla. - Bandila, Huwebes, 11 Enero, 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.