Mas maluwag na Laguna Lake Highway asahan ngayong 2018: Villar

ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2018 11:50 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Inaasahang makukumpleto sa gitna ng taon ang rehabilitasyon ng Laguna Lake Highway, na maaaring kalhatiin ang 1-oras na biyahe mula Taytay, Rizal hanggang Bicutan, sinabi ni Public Works Secretary Mark Villar, Miyerkoles. 

"Target po namin is by the second quarter tapos na ang buong Laguna Lake Highway," sabi sa DZMM ni Villar. 

"Maraming nagko-complain dati kasi lubak-lubak ang kalye at 2 lanes lang. By second quarter of this year, magiging 4 lanes na siya."

Saklaw din ng proyekto ang pagpapalapad sa 2 tulay sa highway at pagdadagdag ng bike lanes. 

Una nang binuksan sa mga motorista ang 2 lanes ng Laguna Lake Highway. 

Magbubukas naman sa unang quarter ng taon ang Quirino exit ng Skyway Stage 3, at Harbor Link Segment 10 ng North Luzon Expressway (NLex), banggit ni Villar. 

DZMM, 3 Enero 2018