Magpinsan, sugatan nang sumemplang sa motorsiklo

ABS-CBN News

Posted at Jan 02 2018 12:10 PM | Updated as of Jan 02 2018 12:27 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Sugatan ang magpinsan na sakay ng motorsiklo matapos itong sumemplang sa Caloocan City.
 
Duguan ang kanang binti ng driver ng motorsiklo na si Joey Moralos, habang sugatan naman sa braso ang angkas nitong si Joper Operario. 

Pauwi na sana sila sa bahay matapos dumalo sa isang party nang mangyari ang insidente.

Kuwento ni Operario, pa-U turn sana sila sa EDSA corner A. De Jesus nang mabangga sila ng isang Mitsubishi Adventure. 

Ayon naman sa nakakita na si Jomel Batistis, may isa pang sasakyang nauna sa AUV at motorsiklo, ngunit hindi nagpadaan sa motorsiklo ang AUV.
 
Aminado ang magpinsan na nakainom sila dahil galing sila sa isang party. 

Hindi naman naplakahan ang AUV na sinasabing bumangga sa mga biktima. – Umagang Kay Ganda, 2 January 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.