Lola sugatan sa pamamaril ng lasing na lalaki

ABS-CBN News

Posted at Jan 02 2018 10:39 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Sugatan ang isang matandang babae matapos mabaril ng isang lalaki sa Quezon City Lunes ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Patricia Aliwalas, 80-anyos. Tinamaan umano sa paa ang biktima at dinala na sa East Avenue Medical Center para malapatan ng lunas.

Hindi na itinanggi pa ni Edmund Barber, 48 anyos, na siya ang nagpaputok ng baril sa isang compound sa Cubao, Quezon City kagabi. 

Ayon sa complainant, hindi raw ito ang unang beses na ginawa ito ng suspek na tuwing nalalasing ay palaging nagwawala.
 
Hindi rin ito ang unang pagkakataon na naireklamo ang suspek.
 
Dati nang inireklamo ang suspek sa lugar pero hindi lamang natuloy ang kaso. 

Kagabi, habang nagtitinda ng balut ang complainant ay bigla na lang siyang pinag bantaan nito at pilit pinapalabas sa kanilang bahay. 

Naka tatlong putok ng baril ang suspek at sa pang apat ay tinamaan ang biktima.
 
Inaalam pa ng pulis kung lisensyado ang .45 kaliber na baril na ginamit ng suspek. 

Maaaring mahaharap sa patung-patong na kasong paglabag sa Republic Act 10591 o illegal possession of firearms and ammunition, attempted homicide, frustrated homicide, alarm and scandal at resisting arrest ang suspek. – Umagang kay Ganda, 2 January 2018
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.