Abu Sayyaf tagged in Zamboanga blast

Posted at Nov 29 2011 02:37 AM | Updated as of Nov 29 2011 11:55 AM

Isinisisi sa grupong Abu Sayyaf ang pagsabog sa isang pension house sa Zamboanga City. Tatlo ang patay, mahigit dalawampu ang sugatan sa insidente kabilang ang mga bisita sana sa isang kasalan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, grupo ng Abu Sayyaf ang posibleng nasa likod ng pambobomba. Kapareho umano ng signature bomb ng bandidong grupo ang natagpuan sa pension house. At natagpuan din ang ganitong uri ng bomba sa Isabela City, Basilan Linggo ng hapon.

Pero hindi pa makumpirma ng mga otoridad kung ano ang posibleng motibo sa pambobomba.

Mula Zamboanga, magba-Bandila si RJ Rosalado. Bandila, Nobyembre 28, 2011, Lunes