Sawa nahuli sa kulungan ng kambing

ABS-CBN News

Posted at Nov 25 2015 10:01 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Sa Davao City, nahuli ang isang sawang mahigit walong talampakan ang haba sa Barangay Tigatto.

Pinagtulungan ng ilang residente na kunin ang ahas na pumulupot pa sa bubungan ng kulungan ng kambing.

Inabot rin ng ilang oras bago ito nahuli.

Ayon sa mga residente, ito ang dahilan kung bakit nauubos ang mga alaga nilang manok.

Ibibigay sa pangangalaga ng DENR ang sawa para maibalik sa gubat.

ABS-CBN Umagang Kay Ganda, November 25, 2014