Barangay officials force 350 families near coasts to relocate

Posted at Oct 19 2010 01:57 AM | Updated as of Oct 19 2010 09:57 AM

Papalabas na ng Pilipinas ang bagyong "Juan" pero nasa loob pa rin ng Philippine Area of Responsibility. Una namang nasapul ng bagyo ang Isabela at Cagayan. Batay sa mga report ng ating news teams, hindi bababa sa 6 ang nasawi sa iba-ibang lugar sa Northern Luzon. Daan-daang pamilya naman ang inilikas mula sa mga kritikal na lugar. Dumako tayo ngayon sa Ilocos Sur na isa sa mga nahagip sa paglabas ng bagyo. Live mula sa Vigan, Ilocos Sur, magba-Bandila si Niko Baua. Bandila, Oktubre 18, 2010, Lunes