ABS-CBN News

OFW shares blessings with countrymen in Mt. Province

Posted at | Updated as of 10/01/10 9:01 AM
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Dahil sa hirap ng buhay ni Aling Mary Tumapang, noong 1998 lakas loob niyang nilisan ang Sagada para makapagtrabaho sa Israel bilang isang caregiver. Taong 2004, bumalik siya ng Pilipinas, pero imbes na sarilihin ang konting ipon sa Israel ay itinulong niya ito sa kanyang mga kapwa Igorot.

“It is a joy to be able to work with other people as well as getting something from it,” ani Mary Tumapang, dating OFW na naging Bayaning Pilipino Awardee noong 2009.

Pinangunahan ni Aling Mary ang pagtatatag ng Scholarship Fund Drive para sa mga kapos palad na estudyante sa Sagada na makapag-aral ng elementary at high school. Libre din siyang nagtuturo ng Christian Values Education sa ibat ibang eskwelahan dito.

“I feel happy to see that some of them have finished college while some are still in college, some are in high school. It’s a fulfillment,” sambit ni Tumapang.

Aktibo rin si Aling Mary bilang board of director sa Sagada Multipurpose Cooperative. Layunin nitong maiangat ang kabuhayan ng bawat pamilya sa Sagada tulad ng pagawa ng wine, jams at bags. Bukod dito mayroon ding clean and green program si Aling Mary linggu-linggo. Halinhinan ang bawat grupo sa paglilinis ng buong kapaligiran sa Sagada.

“There are many OFWs but when they come home everything is to themselves. They put up business and it's for themselve. But we should also participate in community affairs,” panawagan ni Tumapang.

Para sa iba pang impormasyon ukol sa Bayaning Pilipino mag log on lamang sa bayaningpilipino.abs-cbnnews.com. Kapamilya kaninong buhay ang babaguhin mo? Huwag palalampasin ang pagkakataong maging Bayaning Pilipino.