Bayan Patrollers share photos of Cebu City flood

Posted at Aug 16 2011 09:48 PM | Updated as of Aug 17 2011 05:48 AM

Binayo ng malakas na ulan ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao kaninang hapon. Agad namang nagpadala ang mga Bayan Patrollers ng mga litrato ng pagbaha sa kanilang lugar.

Sa mga larawang ipinadala ni Christopher Lyerin, makikita ang hanggang binti na baha sa downtown ng Colon, Cebu City.

Maraming sasakyan ang naipit sa traffic.

Pati ang mga tao ay stranded sa biglang pagbuhos ng ulan.

Ang iba naglakad na lamang sa baha habang ang ilan naman sumakay ng pedicab.

Ganito rin ang sitwasyon sa Baungon, Bukidnon.

Makikita sa ipinadalang larawan ni Edmund Labitad ang pagtaas ng tubig sa tapat ng police station.

Maputik na ang daan at kinakailangan na raw ng 4x4 na sasakyan para madaanan.