Mga commuter, pahirapan sa pag-uwi dahil sa ulan

Posted at Aug 14 2015 10:55 AM | Updated as of Aug 14 2015 06:55 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

MANILA - Pahirapan ang mga commuter sa pag-uwi kagabi nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Mabilis ding binaha ang ilang lugar sa Metro Manila.

Ayon sa PAGASA, sanhi ng thunderstorm ang pag-ulan sa Metro Manila pati na rin sa Cavite, Rizal at Quezon.

Hindi raw lalagpas ng dalawang oras ang thunderstorm sa mga nasabing lugar mula hatinggabi, kaya naman inaasahang tuluyan nang huhupa ang baha sa ilang parte ng Maynila ngayong umaga.

Gayunpaman, pinag-iingat pa rin ng PAGASA ang mga motorista at residente sa malakas na hangin at madulas na kalsada dulot ng pag-ulan.

ABS-CBN Umagang Kay Ganda, 14 Agosto 2015