Patrollers send videos, photos of floods

Posted at Jul 03 2012 10:20 PM | Updated as of Jul 04 2012 06:20 AM

Ibinahagi naman ng ilang Bayan Patroller ang pagbaha sa kanilang lugar bunsod ng low pressure area sa bansa.

Sa ipinadalang larawan ni Iber Faciol ng Bacog, Navotas City, umabot hanggang binti ang baha.

Kahit ganito na ang sitwasyon ay patuloy pa rin ang pamimili sa palengke ng ilang residente.

Tumataas na rin ang baha sa Project 8, Quezon City na makikita sa larawan ni Froilan Bartolome.

Ganito rin ang sitwasyon sa Meycauayan, Bulacan.

Sa mga larawan ni Ralph Nogoy, pumasok na rin sa ilang bahay ang hanggang tuhod na baha.

Wala rin pinag-iba ang baha sa Camarines Sur sa video at mga larawan ni Raymund Odiada.

Pinauwi na nga raw ang mga estudyante mula sa kanilang klase kaya naman ang iba ay lumusong na sa baha.

Nakunan naman ng larawan ni Rogelio Tampican-Mangawa ang gumuhong lupang ito kaninang 4:30 ng hapon sa KM-3, La Trinidad, Benguet.

Dulot din ito ng malakas na pag-ulan sa naturang lugar.

Isa ang kumpirmadong sugatan dahil sa landslide.