Man with girl taking motorcycle caught on CCTV

Posted at Jul 02 2012 10:17 PM | Updated as of Jul 03 2012 06:17 AM

Bayan, sa ating CCTV Patrol, ipinadala po sa atin ng Bayan Patroller na si Ronald Catequista ng Surallah, South Cotabato ang video sa aktuwal na pagnanakaw ng isang motorsiklo.

Kuha ang video sa CCTV camera ng computer shop na pag-aari ng Bayan Patroller noong Hunyo 12.

Makikita ang pagdating ng isang lalaki na may kasamang batang babae at tumayo sa harapan ng computer shop.

Natatakpan naman ng bakod ang isang motorsiklo sa labas na pag-aari ng isang customer sa computer shop.

Pasilip-silip pa ang lalaki pero maya-maya lang ay isinakay na niya ang bata sa motor saka siya sumakay habang nakatingin pa rin sa loob ng shop na parang may inaabangan.

Matapos ang ilang segundo, inabante na niya ang motor at tuluyan itong tinangay.

Ayon sa Bayan Patroller, walang may kilala sa lalaking tumangay ng motor. Nai-report na rin daw nila ito sa mga pulis at naghihintay pa ng resulta.