Umano'y tulak-droga, kinaladkad bago pinatay

ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2016 08:13 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Patay ang isang barberong hinihinalang tulak ng droga matapos barilin ng mga armadong lalaki sa San Fernando City, Pampanga.

Kwento ng asawa ng biktima, dumating sa kanilang bahay ang mga suspek na nakatakip ang mukha at hinila palabas ang mister niyang si Jaime Mercado.

Kinaladkad anya si Mercado sa gitna ng kalsada, pinaluhod at pinagdasal bago siya binaril sa batok.

Aminado naman ang pamilya ng biktima na nasangkot nga siya sa droga pero nagbagong-buhay na rin anila ang biktima.

Nanindigan naman ang pulisya na hindi ito bahagi ng tinatawag "transition period" sa pag-upo ng bagong administrasyon.

- Umagang Kay Ganda, 28 Hunyo 2016