Farm sa Benguet, sikat dahil sa mga kakaibang pananim

ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2016 08:18 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Sikat ang isang farm sa La Trinidad, Benguet dahil sa mga kakaibang gulay na pananim doon.

Bukod sa organic ang mga gulay, kakaiba ang mga hitsura at kulay ng mga ito.

Kabilang dito ang ampalayang galit na may mga patulis na bahagi gaya nang sa dragon fuit.

Mayroon ding tanim na carrots na sa halip na kulay orange ay kulay purple o puti.

May mga mini-bell peppers din at repolyong mala-bulaklak.

Ayon sa may-ari ng farm, patok ang kanilang mga produkto dahil bukod organic at mabuti sa kalusugan at naibebenta rin nila ang mga gulay sa magandang presyo dahil sa kakaibang anyo ng mga ito.

- Umagang Kay Ganda, 28 Hunyo 2016