Kaso vs mag-asawang biktima umano ng tanim-bala, ibinasura

ABS-CBN News

Posted at Jun 23 2016 09:36 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Ibinasura ng korte sa Kalibo, Aklan ang kaso na isinampa laban sa mag-asawang nabiktima umano ng "tanim-bala" sa Caticlan Airport matapos mag-honeymoon sa Boracay.

Sa panayan ng DZMM, sinabi ni Public Attorney's Office (PAO) chief Atty. Persida Rueda-Acosta na pinagbigyan ng korte ang kanilang "motion to quash" at iba pang petisyon laban sa kasong isinampa laban sa mag-asawang Jerome at Rochelle Sulit.

Iginiit aniya ng korte na hindi dapat ikulong ang mag-asawang Sulit dahil sa kawalan ng "intent to possess" para sa 15 balang natagpuan sa kanilang maleta noong Abril 28.

Umaasa si Acosta na magiging basehan ng mga piskal sa Department of Justice ang naturang desisyon ng korte para ibasura rin ang kaso laban sa mag-asawang senior citizen na sina Esteban at Salvacion Cortabista na nahulihan din ng bala sa Ninoy Aquino International Airport.

Mahigit 40 kaso na aniya ng tanim-bala ang naibasura ng magkakaibang korte. -- DZMM TeleRadyo, 23 Hunyo 2016