ABS-CBN News

Jolo mayor suspects Jordanian journo linked to Al Qaeda

Posted at | Updated as of 06/22/12 1:16 PM
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Ito ang pinakahuling interview na ginawa ni Baker Abdullah Atyani at dalawa nitong Filipino cameraman isang araw bago idineklarang nawawala sa Sulu.

Inaalam ni Atyani kay Jolo Mayor Husin Amin ang pinagmulan at kadahilanan ng patuloy na paglaganap ng kilabot na Abu Sayyaf group sa kabila ng mga military operation.

“These people, they opened their eyes because of that violence. They have not gone to school. So that is why the Abu Sayyaf now, they are continuing fighting. Even the illegal activities they are now doing. Because of the violence,” sabi ni Amin sa panayam.

Sa kanyang follow-up na tanong kay Mayor Amin, tinanong ni Atyani kung paano mapipigil ang teroristang grupo.

Sagot naman ng alkalde, tanging sa pamamagitan ng edukasyon at alternatibong kabuhayan masusugpo ang bandidong grupo.

Kung pagbabatayan daw ang mga tanong ni Atyani, masasabing lehitimo itong mamamahayag. Pero nang mabalitaan ni Mayor Amin na si Atyani ay isa sa mga journalist na naka-interview kay Al Qaeda leader Osama Bin Laden at higit limang beses nang nagpabalik-balik sa Sulu, duda na siya ngayon.

“Baka ito ay may kuneksyon sa Al Qaeda. And they are going to Jolo. Because of the strict implementation of AMLA. Baka magdadala ito ng pondo para diyan. Baka meron silang arrangement that will give iyong mga nakakasama ni Bin Laden na Al Qaeda,” sabi ni Amin.

Tatlong anggulo ngayon ang tinitignan ng lokal na pamahalaan: na-kidnap, nagpa-kidnap o kakuntsaba si Atyani ng Abu Sayyaf.

Pero panawagan ng mga kaanak ng dalawang Filipino cameraman, anuman ang tunay na pakay ni Atyani, nadamay lamang daw sila sa sitwasyon. Jay Ruiz, Patrol ng Pilipino