EXCL: DepEd official accused of molesting 2 boys

Posted at Jun 01 2012 11:20 PM | Updated as of Jun 02 2012 07:20 AM

Hindi na nakaimik si Cadiz City DepEd district supervisor Joshua Santillana, matapos pasukin ng mga awtoridad ang isa umanong drug den sa Bacolod City.

Nagkalat pa sa harap niya ang mga sachet ng pinaniniwalaang shabu na nakita ng mga pulis.

Ni-raid ang bahay na pinagtatambayan ni Santillana matapos siyang ireklamo ng mga magulang ng dalawang binatilyong kanya umanong minolestya.

Sumbong pa ng dalawang binatilyo, pinagdodroga pa raw sila ng suspek.

Kuwento ng isang biktima, pinagagamit sila ng droga kapalit ng pakikipagtalik.

Pinupuwersa rin daw silang makipagtalik sa iba habang nanonood si Santillana.

Ayon sa isa pang biktima, kumukuha ang suspek ng mga bayarang babaeng makakatalik nila kapalit pa rin ng droga.

Todo-tanggi naman ang suspek sa mga paratang.

Ayon kay Santillana, pinuntahan niya lang ang biktima para singilin ang utang nito.

Isasailalim sa drug test si Santillana at paiimbestigahan na rin siya ng DepEd.

Una nang kinundena ng DepEd Negros Occidental ang pangyayari.

Payo pa nila, i-report agad ang anumang pang-aabuso ng sinumang guro o opisyal.

“We observe due process by hearing, and then the fact-finding committee will come up with a recommendation,” sabi ni Rizalino Tortosa, provincial schools division superintendent.

Patung-patong na kaso ang kinakaharap ni Santillana, kabilang na rito ang child abuse. Mark Salanga, Patrol ng Pilipino sa Bacolod City