Store robbed as owner watches CJ trial

Posted at May 23 2012 11:21 PM | Updated as of May 24 2012 07:21 AM

Eight thousand pesos na halaga ng paninda ang nanakaw sa grocery at botique ni Maria Teresita Rotimas sa Maco, Compostela Valley kahapon.

Dahil may apat na CCTV camera, nakunan ang pagnanakaw.

Sa maliit na grocery, makikita ang babaeng ito na isinusuksok sa pantalon ng kasamang lalaki ang mga kinuhang gatas habang kausap ng isa pa nilang kasama ang sales girl.

Sinabi ng tinderang si Manilyn, inutusan siyang abutin ang isang biskwit para malihis ang kanyang atensyon sa nagaganap na pagnanakaw.

Sa katabi namang boutique na pag-aari rin ni Rotimas, huling-huli sa camera ang isang lalaki habang ipinapasok ang apat na shorts sa kanyang pantalon.

Hindi raw na-monitor ng may-ari ang pagnanakaw.

Ayon sa may-ari ng dalawang tindahan, nakatutok siya sa telebisyon at nawiwili habang nagtatalumpati si Corona kaya hindi niya napansin ang pagnanakaw.

Hinabol pa raw nila ang mga suspek pero nakasakay na sa jeep ang mga ito.

Nasa PNP na ang kopya ng CCTV para makilala ang mga suspek. Vina Araneta, Patrol ng Pilipino sa Davao