2 pilots missing in Bataan plane crash

Posted at May 18 2012 11:53 PM | Updated as of May 19 2012 10:27 AM

Proficiency flight o praktis lang ang naging paglipad ng eroplanong ito na papunta sana sa Corregidor Island at Bataan.
 
Hindi nagpadala ng distress call ang dalawang pilotong sakay ng SF260 kaya hanggang ngayon ay palaisipan kung ano ang naging problema nito.
 
Bandang 6:30 p.m. nang umalis mula sa Sangley Point sa Cavite ang eroplano.
 
Dalawang oras lang daw dapat ang biyahe nito, kaya nagtaka na ang mga kinauukulan nang abutin ng tatlong oras ay wala pa ito.

Karaniwan din daw na inaabot ng isa’t kalahating oras ang proficiency flight.
 
Ayon sa ilang mangingisda, nakita daw nila ang pagbagsak ng eroplano.
 
Natagpuan na rin ang ilang bahagi ng eroplano.

Pero nawawala pa rin ang dalawang piloto nito kaya tuloy and search and rescue operations ng pinagsanib na  puwersa ng Philippine Navy, Coast Guard at Air Force.

“Normally, pilots will have to fulfill proficiency time in their aircraft. In this case, mayroong instructor and mayroong student,” sabi ni Lt. Col. Miguel Okol, PAF spokesperson.

Balak ng PAF na ipagpatuloy ang search and rescue operations hangga’t kaya nila dahil umaasa sila na ligtas at buhay ang kanilang dalawang piloto.