Father of suspect in doc's slay shocked

Posted at May 17 2012 09:32 PM | Updated as of May 18 2012 08:57 AM

Hindi pa rin makapaniwala si Mang Anton sa ginawa ng kanyang 16 anyos na anak na suspek sa pagpatay kay Dr. Andres Gumban sa Bacolod City.

Nanlumo si Mang Anton nang mapanood niya ang video ng pagpatay ng anak sa doktor.

Aminado si Mang Anton na malupit ang ginawa ng kanyang anak.

Dumating noong Sabado mula sa Middle East si Mang Anton.

Hindi naman makauwi ang asawa niya na OFW din sa Middle East.

Tubong-Cadiz City ang 16 anyos na suspek at bunso sa dalawang magkapatid.

Honor student din ito, varsity player pa sa badminton at minsan nang sumali sa Palarong Pambansa.

Nagtiis daw siya sa abroad kahit maliit ang suweldo para matustusan ang pangangailangan ng pamilya, pero ganito pa ang nangyari.

Ayon sa grupong Family Foundations International (FFI), tulad ni Mang Anton, problema rin ng maraming OFW ang tamang paggabay sa anak dahil magkalayo sila.

"The breakdown in the family system is one factor that cause the children to be rebellious. Exposure can cause also. There is so much violence right now in movies, television, in the Internet,” sabi ni Ruby Su, national coordinator ng FFI.

Sa ngayon, tanggap na ni Mang Anton ang anumang kahihinatnan ng kasong kinasangkutan ng anak.

Hirap daw sila dahil wala nang abugado ang gustong tumulong sa anak matapos lumabas ang cell phone video.

Humihingi rin siya ng tawad sa mga nagmamahal kay Dr. Gumban. Romeo Subaldo, Patrol ng Pilipino sa Negros