Suspects in doctor slay admit they’re ‘call boys’

Posted at May 16 2012 10:14 PM | Updated as of May 17 2012 06:14 AM

Inamin ng suspek na si Fof Pascual sa mga pulis na call boy sila ng kaibigan niyang 16 taong gulang na suspek din sa karumaldumal na pagpatay kay Doctor Andres Gumban Jr. sa Bacolod City.

Ayon kay Senior Supt. Ricardo dela Paz, nagkaroon ng hindi magandang karanasan ang dalawa sa mga bading at dahil sa galit nagawa nila ang karumaldumal na krimen.

Iniimbestigahan na rin ng pulisya kung may kinalaman ang dalawa sa pagpatay sa isang call center agent sa Bacolod City na tinadtad din ng saksak sa loob ng isang pension house.

Parehung-pareho diumano ang pinagdaanan ng call center agent at ni Doctor Gumban.

Kahapon, inilabas ng pulisya ang video ng pagpatay kay Doctor Gumban na kuha pa mismo ng 16 anyos na suspek.

Ayon sa matalik na kaibigan ni Doctor Gumban, hindi madaling panoorin ang video.

Pero mas masakit daw ang pagyurak ng mga suspek sa reputasyon ng biktima.

Iginiit kasi ng mga suspek na ipinagtanggol lang nila ang sarili nang tinangka diumano silang halayin ng biktima.

“To the personality of Dr. Gumban, yeah you're right, it's not the issue. And the video itself tells it is not the issue. The issue was it was really planned, I guess," sabi ng kaibigan ng biktima.

Bukod sa murder, posibleng maharap din ang mga suspek sa kasong robbery lalo’t hindi pa naibabalik ang nawawalang kagamitan at pera ng doktor. Barbara Mijares, Patrol ng Pilipino sa Bacolod