50,000 bangus inihaw sa piyesta sa Dagupan

ABS-CBN News

Posted at May 03 2016 11:12 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nasa 50,000 bangus ang inihaw sa iba't ibang paraan para sa Bangus Festival sa Dagupan.

Kanya-kanyang pagluluto ang mga residente ng para sa bangusan street party.

Masayang pinagsaluhan ng mga residente ang kanilang niluto habang hinaharana ng mga banda gaya ng Parokya ni Edgar.

Taong 2002 sinimulan ang taunang pagdiriwang ng Bangus Festival.

Mahigit 600,000 bisita ang nakisaya sa pagsasara ng piyesta ngayong taon.

- Umagang Kay Ganda, 3 Mayo 2016