Typhoid outbreak declared in Samar town

Posted at May 03 2012 01:26 AM | Updated as of May 03 2012 09:26 AM

Sa Eastern Samar, idineklara na ang typhoid outbreak sa walong barangay sa bayan ng Maydolong.

Umabot na sa 144 ang nagka-typhoid fever doon, karamihan ay mga bata.

Sa pagsusuri ng Department of Health (DOH) Region 8, nakitaan ng coliform bacteria ang mga gripo at poso ng mga residente.

Kaya nag-ikot na ang health officers para mamigay ng water disinfectant tablets na gagamitin sa inuming tubig.

Pinayuhan din ng DOH ang mga taga-Maydolong na pakuluan ang inuming tubig at lutuing mabuti ang pagkain.