TUKLASIN: Mga tourist spot sa Davao

ABS-CBN News

Posted at Apr 26 2016 09:37 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Sari-saring tanawin ang ipinagmamalaki ng Davao City, ang pinakamalaking lungsod sa mundo sa sukat na 244,000 ektarya.

Bukod sa pagiging "Durian Capital" ng bansa, ipinagmamalaki ng Davao ang Crocodile Park na matatagpuan sa Riverfront Corporate City, Diversion Road.

Matatagpuan dito ang 2,000 buwaya, kabilang na ang pinakamalaking saltwater crocodile in captivity na si Pangil.

May sukat na 18 talampakan si Pangil at timbang ng 1,000 kilo.

Ibinibida rin ng Davao ang "zip city" na may 350-meter zipline at hangover ride na may taas na 40 talampakan.

Matitikman din ang bantog na durian ng probinsya sa hilera ng mga tindahan sa Magsaysay Park.

Matitikman naman sa Marina Tuna ang sikat na 10-way tuna ng Davao, o 10 putahe na gawa mula sa iba't ibang parte ng isang tuna.

Maaari ring subukan ng mga turista ang mga exotic na putahe tulad ng ostrich omelet at sizzling crocodile sa River Walk Grill.

Makakabili rin ng iba't ibang delicacy tampok ang durian sa Apo ni Lola.

- Umagang Kay Ganda, 26 Abril 2016