Mom grieves for husband, kids buried by Compostela landslide

Posted at Apr 26 2011 12:17 AM | Updated as of Apr 26 2011 08:17 AM

Sa pagkakahukay ng tatlong bangkay sa Sitio Panganaso Lunes nang umaga, humagulgol si Anicita nang makita ang mga labi ng asawang  minero na si Cristituto Torrejos.



Ang masaklap, tatlo sa kanyang mahal sa buhay ang natabunan sa landslide.



Noong Biyernes, unang nakita ang bangkay ng anak niyang si John Ric. Nawawala ang isa pa niyang  anak na si Cristituto Jr.



"Sabi niya 'Maglinis daw ako ng bahay kasi uuwi daw sila,'" ani Anicita.



Ilan naman sa 13 nakaligtas sa trahedya ang nanatili sa mga ospital.



Tumutulong naman ang kanilang mga kaanak sa paghahanap sa 15 pang nabaon sa landslide. Francis Magbanua, Patrol ng Pilipino, Compostela Valley